Archive for the ‘applications and versions’ Category

Kapangyarihan sa Angyong Pasalaysay

It all started with the meeting of the minds. When humans start finding ways to facilitate work he discovered machines. Than for mere facility and his ultimate end both man and computers were still yet oblivious to each other. Until the former started contemplating what if there be some level of interface or some ways to communicate with a machine when machines will interact with man to some level of understanding was the point in history when computer was concieved.

Subalit ang gayong ideya ay nanatili lamang na konseptong pangarap. And imbensyon ng mga makinarya, gaano man noon tinuring kamakabago’y patuloy nanatili bilang mga kasangkapang mekanikal. Ang mga desenyo ng makinang patuloy na naiimbento ay pawang mga tugon sa pangangailang ng tao. Ngunit tulad ng lahat ng nasasaklawan ng panahon, sumulong ang ebolusyon maging ng mga kasangkapang minikaniko ni Monikang mga makina ni Miniko.

Hanggang katutunan nga ng tao ang dating kinapipilipitang dila sa pilit pakikipag-ugnayan sa mga makinang inuuri bilang walang buhay [http: non-living thing]. Kung tutuusin nga’y mas makatotohanan pa noong pangaraping ang ugnayan tao at hayop dahil kapwa sila may buhay na parehong may angking kakayahang ipakipagsaugnayan ang partikular na antas at kalagayang pangkamalayan.

Taliwas sa totoo, naunang narating ng makina at ng tao ang pangkaisipang pagtatagpo. (Parang imposible kung iisipang wala namang isip ang makina). Ngunit narating ng kasaysayan ang isang kapangyarihan;

ANG KAPANGYARIHAN NG ISANG WIKANG PANGANGALKULA — The computer language which no matter how primitively ancient as we may view it now nevertheless paved the birth of that meeting of minds. Gamit ang inembento’ng wika sa halip na sex organ, kinantot ng tao ang makina hanggang mabuntis niya ito at magsilang nga ng bagong anyo ng kalalangan; hindi tao hindi hayop ngunit mahirap paniwalaang walang isip at walang buhay dahil may kakayahang tumanggap ng mensahe at magsagawa ng utos.

Sa dadalawang nauunawaang simbolo ng 1 at 0, nauunawaan ng makina ay konsepto ng bukas-sarado. Ng hindi at oo. Ng doon at dito. Ng mali at wasto. At mula noon ay naging napakabilis na ang pamumunga ng pang-unawa ng computer sa gustong iparating ng tao. So time made computing a science until the science of computing transcend its language beyond science thus the introduction of technology.

And the rest they say is … No. Not history but evolution.

In the ligitimacy of computer language into the maintream of human knowledge, both man and computer found satisfaction almost next to impossible considering the potent promises realistically possible — calculable.

Sa pagsulong nga ng ebolusyon ay tumugtog ang penumbreng naghatid sa libingan ng tinuringan na ng makabagong panahon at kaalaman ang computer language. Patay na nagwakas ito ng katutunan nang tuluyan ng computer ang pantaong wika at panalastasan. That beyond computer language restricted by mere assignment of values on given symbols where construction of such symbols yields potent but still then limited meanings in the integration of values, the dawning of internet insisted that man and computer communicate and interact by way of a universal expression.

Lingid man sa kaalaman ng karaniwang tao, dumating ang kapangyarihan ng usapang tao at computer na wala na halos maiiba sa paraan kung paano ang usapang tao sa tao. Sa katalinuhan nga ng computer, higit naging mas madali pa ang ugnayang tao sa computer kaysa sa Bisaya at Ilocano.

At patuloy ang ebolusyong matapos patayin ang computer language ay  ginilitan namang ipinakalimot sa reyalidad ang pakahulugan ng salitang imposible.

Hanggang maglimbag ang kapangyarihan ng pahinang ito.

Ipagpaumanhin sa kanilang masasagasaan ng pangkatarungang kamao ng kapangyarihang ito subalit hanggang ngayon at hanggang dito na lamang po kayo.

Unahin na nga natin ang gawing makatotohanan ang pakahulugan ng pagbati ng isang magandang umaga. Gaano nga ba magiging makatotohanan ang ganda ng isang umaga? Na sambitin man natin ito paulit-ulit araw-araw ngunit hanggang di ramdam at malayong saklaw ng makatotohanang pang-unawa, walang saysay ang mga kataga.

Hanggang mailimbag na nga ang pahinang ito. Hanggang maging totoo — isang reyalidad — ang kapangyarihang ito.

Higit sa wasto — totoo. Magandang umaga po.

 

Kapangyarihan

KAPANGYARIHAN. Ang karunungan, kaalaman at kakayahan upang maisakaganapan ang mga bagay na higit sa saklaw ng kalikasan ng kalikhaang pantao. Sa katuusang katuturan ng kataga, literal itong maisasalin sa salitang “kaganapan”; ang pagkakaganap o pagpapangyari (pagananipin o papangyarihin; gawing maganap o gawing mangyari) ng isang katakdaan sa partikular na tuldok ng panahon. Alin man sa dalawang katuturan, ang kapangyarihan